Tagalizing the Un-tagalizable

by | Aug 27, 2024 | BR Knows How | 0 comments

Maligayang Buwan ng Wika! 

Kasabay ng pagsulong ng kamalayan sa paggamit at pangangalaga ng wikang Filipino ay binibigyang diin din natin ngayon ang pagpapahalaga ng ating wika upang mapanatili ang ating kultura. 

Yes na yes, nafeel ko ‘yung hirap ng pagconstruct ng sentence na ‘yun. The struggle was definitely real – at alam kong ‘di ako nag-iisa diyan. Pero kahit na challenging, dapat alam nating lahat kung gaano kaimportante na marunong tayong gumamit ng wikang Filipino lalo na ngayong Buwan ng Wika. 

Yes na yes rin dahil alam kong marami sa ating nahihirapan talaga lalo na pagdating sa mga English word or term na parang wala talagang direct Filipino translation. 

Kaya naman here are some tips na maaaring makatulong sa inyo sa mas madaling pag-Tagalog ng un-tagalizable terms. 

Google Your Way Out of It

Maging mapamaraan (mapamaraan???). Dapat resourceful ka at katulad ng nasa title, just Google your way out of it. Mabilis lang magsearch ng “properly in tagalog” at ‘matik, meron ka na agad sagot. And that’s what you call accessibility. Isipin niyo lang na a few years ago noong wala pang internet, people had a hard time trying to translate any language and it would take days, weeks, and months to do so. Kaya let’s all consider ourselves lucky with this advancement. 

Kasama na rin ng technology na ito ang importance of choosing a reliable source. Machine translations such as Google Translate may not always give accurate translations, lalo na kung masyadong komplikado ang mga salita o pangungusap. These translation apps/websites can also struggle with idiomatic expressions and cultural references. Most of the time, literal translations ang binibigay nila sa atin. Kaya naman mas safe to always check our resources to have good quality results.

When the Sentence Structure is Not Structuring

Be mindful of how you check your grammar. Alalahaning magkaiba ang sistema ng ayos ng pangungusap sa Ingles at Filipino. Maaari nating balibaliktarin ang paksa at panaguri para makuha ang tamang konteksto ng isang pangungusap. Kung mapapansin niyo sa mga Pilipinong pelikula na may English subtitles, they don’t translate the script word for word. Mas tinitignan nila ang context ng sentence kesa sa direction translation nito. 

In basic English sentence construction, we follow the Subject-Verb-Object (SOV) structure kung saan unang binabanggit ang tao pagkatapos ay kung ano ang kanilang ginagawa. Sa Filipino, binabaliktad ito at ginagawang Verb-Subject-Object (VSO).

Example:

SOV: Anne ate a banana. 

VSO: Kumain si Anne ng saging.

At the end of the day, basta madeliver natin sa mambabasa na kumain nga talaga ng saging si Anne, kahit na pinagbabaliktad-baliktad natin ang mga salita, ok lang dahil nabuo pa rin natin ang meaning ng buong pangungusap. 

Context is Important

Always, always consider cultural context. Pwedeng magbago ang kahulugan ng isang pangungusap kung direkta mo itong isasalin. Tulad na lamang ng mga idiomatic expressions na kapag direktang isinalin ay maaaring hindi maihatid ang nais na kahulugan kung babalewalain and kontekstong kultural. Isang halimbawa na lamang ay ang “raining cats and dogs” sa Ingles na kapag direktang isinalin ay mag-iiba ang ibig-sabihin. 

Aside from that, isang dahilan din ay ang humor at wordplay. Humor heavily relies on cultural references and wordplay. Ang pagsasalin ng mga biro o puns ay nangangailangan ng pag-unawa hindi lang ng wika kundi pati na rin ng cultural background to make sure the humor translates effectively. 

Kaya naman, it’s important to understand the cultural background of the language para maging tama ang pagsalin. 

Sometimes, The Answer is No

Laging tatandaan na not all English words have direct Filipino equivalents. Minsan, ginagamit nalang talaga natin kung ano ang closest available in the foreign language that we know. These will fall under sa mga hiram na salita. Ito ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa wikang dayuhan at walang direktang translation. The easy way out of this is ang pag-iba ng palatitikan. Halimbawa, ang “television” ay nagiging “telebisyon.” Kaya as you see, sometimes, the answer really is no. If you’ve used up all your resources in translating something at wala talagang lumalabas, just let it go. 

Mahirap Talagang Mag-Tagalog

We all know that the Philippines has been through so many colonizations in the past at ito ang mga naging dahilan kung bakit napaka-diverse ng Filipino. From the Spanish time to the Japanese and then to the American, marami tayong na-adapt na mga salita dahil we had to adjust to the time. Ang pagkakaroon ng isang diverse language at culture ay something that we should be proud of. Pero ang dapat na mas ipagmalaki natin ay kung gaano pa rin natin napagtibay ang wikang Filipino despite the many influences that we had in the past. At kahit ngayon, the language continues to grow especially with how the new generation’s slang words proceed to be more complex.

Kaya naman ngayong August ang pinaka-swak na buwan para matuto ng new tips and tricks in sharpening our Filipino language skills. At ok lang kung hindi pa tayo matatas mag-translate from English to Tagalog. Dahil whatever the language, it is ever-evolving and as long as we follow these simple tips in trying to tagalize the un-tagalizable, we’ll be fine. Regardless, dapat proud pa din tayo na we know how to use the language and we are still part of the generation that keeps it even stronger each day. 

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Like what you read? Share with a friend.

Recent Posts

Recent Comments

  1. Excited for everything Jas can be!!! Still growing & learning, but already a powerhouse 💪🏼❤️🙏🏼