What if gawin ko ‘tong article ng lasing? EME. Syempre, no. Baka wala akong maalala at kung ano pa ang masulat ko. Ganun kasi ka-solid mag-party dito sa office ‘pag nagkaayaan sa isang mahiwagang Friday night kaya laging masaya ang weekender namin.
Oh, na-curious kayo, noh? Buti nalang mabait ako kaya i-sha-share ko sa inyo!
Friday Gin Eyy
As an agency, maraming (and I mean MARAMING) times na nakakapagod ang work throughout the week. It’s an accepted reality na talaga. So what we do tuwing Friday ay naghahanap ng outlet. I’m sure you’ve seen a few of our posts about sa ganaps namin here sa BR (But if you haven’t, just check this out!). And one of the most usual na event is of course… inuman!
May mga resident taga-timpla na nga kami ng Gin here na sina Aileen at Jolo. ‘Matic na before 6 PM if wala na silang ginagawa, ilalabas na ang mahiwagang jug at sisindihan na nila ang bote. Syempre, always partnered with juice para ‘di talaga ganun nakakalasing (sa start). TO BE FAIR, magaling silang magtimpla na I even mentioned sa Strat Head ng BR na si Kuya Jepoy nung nag-samgyup kami na “parang may kulang sa pineapple juice” na iniinom namin doon and na-realize ko na ‘yung timpla ng gin nila ‘yung kulang. LOL. (It was that GOOD na hinahanap ng non-drinking body ko)
But why drinking? Well, it’s really a good way to end the week. It takes our minds off sa lahat ng stress na nangyare in the past few days and it lets us enjoy each other’s company. Anyone and everyone can go wild during these times kaya super enjoy talaga ang Friday night shenanigans namin. But if you want to know the specifics… you’ll have to read more!
Sir Anton at ang Mahiwagang Mangkok
Para sa mga naging bagong salta sa BR, I know you know this experience. Nakakatakot lang talaga ‘pag biktima ka na ni Sir Anton kasi persistent siya na painumin ka sa maliit na bowl (which roughly translates to kalahati na ng bote ng gin!). Nakakalula ‘yung experience to be honest kasi required to chug it down straight kaya ang init sa lalamunan. Pero at least, nung era na ‘yun medyo tumaas tolerance ko so keri lang. Nowadays, as far as I remember wala na siyang binibiktima pero hoping soon kasi ang unfair naman na nag-end sa amin, ‘di ba? Kaya kung nababasa mo po ito… Sir, let’s continue the cycle, please.
Ikot ni Kuya Matt (optional)
Kung may taong dapat kang layuan more than Sir Anton sa inuman, si Kuya Matt ‘yun. Why? Kasi papaikutan ka niyan ng Cuervo straight, tapos minsan walang lemon or asin. So lasing ka talaga. Minsan, babalikan ka 5x sa loob ng 10 minutes kaya ‘di maiiwasang umabot na sa damit mo ‘yung alak. Spoiler ko na ‘to sa mga nagbabalak here – pero remember na pwede siya kausapin basta check mo muna kung may hawak! HAHAHA!
The Dancing King and Queens of BR
Ito na ‘yung may mga pinakamalakas na tama sa BR nights. ‘Yung tipong lahat sasayawan? Mapa-kembot man ‘yan or manly dance steps, ready na ready na ‘yung mga dancers ng BR sa dance floor (AKA gitna ng office LOL). ‘Yung iba akala mo sumasali na sa dancing competition kung makahataw, while others (like me) ay chill lang ‘yung sayaw kasi we’re just having fun lang (WALANG KOKONTRA, PLS).
Paparazzi (optional)
Itong mga ‘to naman ‘yung mga yapper ng office. Makikita mo sila sa bawat sulok at gilid na nagbubulungan, talking about the stressful week and whatnot. ‘Yung iba naman, may sarili na presscon about themselves na i-chi-chika sa lahat. Here mo makikilala talaga kung sino ang mga taga-BR. You’ll find yourself talking with them about personal life, make-up, shows, toys, travel, and many more! Ang tip ko lang, lipat-lipat ka rin para marami kang malaman sa mga tao here (para maka-open ka rin sa kanila).
BR Alaga Foundation
Sila ‘yung mga NGO (No Gin Organization) ng BR kasi ‘di sila mainom at akala mo foundation na sila sa alagang ibibigay sa’yo. So, ayun na nga, ang nagiging role nila ay taga-alaga ng mga taong lasing here. Minsan, ‘di maiiwasang may masuka or mahilo kaya to the rescue na sila. Really, they are the unsung heroes here at BR dahil kung wala sila, siguro ang chaotic na ng lugar.
Well, that’s about it! Pero don’t expect na every week inuman kasi… hello? Maawa naman kayo sa atay namin, bhe. But when you do experience it, always expect that it’s gonna be a party ‘cos it’s fun hanging out with every person in the office. Basta ang another tip ko lang is… siguraduhing makakauwi pa rin, ha? Mahirap na baka matulad ka sa isa d’yan na bumaba agad sa van at naghanap ng CR kasi sukang-suka na. Tapos, nagpahatid sa tricycle pauwi ng bahay nila na about 10KM ang layo at PHP250 ang bayad. Then, habang bumabyahe sumusuka sa daan. Kaya kayo dahan-dahan lang sa pag-inom kung ayaw niyong tularan ‘yun, ha?
So if you want to experience this chill vibe sa office on Fridays, then join us here at BR! We value our employees to make sure na lahat ay may outlet after a long week.
Interested to know more about Brand Republic? Then check our blogs and social media pages na!
0 Comments